Ang natutunan ko sa movie na seven sundays ay ang pamilya ang pinakamahalagang bagay na mayroon ang isang tao. Ang ating mga magulang ay dapat nating tinutulungan at binibigyang pansin kahut na tayo ay may sarili ng pamilya. Makikita natin sa palabas na ito na nawalan ng time ang mga anak ni kap. Manuel sa kanya mula ng mamatay ang asawa nito. Dahil sa kagustuhan niya na mapalapit ulit sa mga anak nakagawa siya ng isang kasalanan,nakapagsinungaling siya sa kanyang mga anak. Pinalabas niya na may sakit siya ng lung cancer ngunit ang totoo ay tuberculosis ang sakit nya. Sinabi nya na dalawang buwan na lang ang ilalagi nya sa mundo. Dahil sa kasinungalingan na ito naging malapit ulit sa kanya ang mga anak niya,ngunit walang lihim na di nabubunyag kalaunan ay nalaman din ito ng mga anak nya at nagalit sa kanya. Sa huli ng movie ipinakita na nagkasundo sundo ang aoat na magkakapatid at pinatawad ang isa’t isa pati ang kanilang tatay. Sa aking natutunan masasabi kong mas pahahalagahan ko pa ngayon ang aking mga magulang at pamilya sapagkat sila ang kayamanan na mayroon ako at sila ang pinakamahalagang bagay sa mundo
Movie Review
Published